Ang PABULA (fable) ay isang uri ng kathang isip na panitikan nagsasalaysay ng mga simpleng kwento, karaniwang gumaganap ay mga hayop o mga bagay na walang buhay bilang mga tauhan. May mga natatanging kaisipan na mapupulot mula sa pabula dahil nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Ito’y tinatawag ding kathang kuwentong nagbibigay-aral.
Samantalang ang PARABULA naman ay isang uri ng panitikang maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangagaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari na taliwas sa mga pabula, ang karaniwang gumaganap ay mga tao at hindi mga hayop o halaman o bagay.
Ito ay naglalarawan ng katotohan o mga tunay na nangyayari sa mundo. Ang ilang sikat na mga parabula ay makikita sa Bibliya.
Ang parabula ay tulad din ng pabula na kinapapalooban ng aral.
Comments
Post a Comment