Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito. “Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?” buong kayabangan ni Agila. Kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon. “Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?” Natuwa ang Agila, hindi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya. “Aba, nasa sa iyon ‘yan. Kung kailan mo gusto,” buong kayabangang sagot ni Agila. Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan. “Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit anong bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay...
Ang pabula o fable sa Ingles ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga hayop o kaya’y mga bagay na walang buhay ang siyang mga tauhan sa istorya. Ang mga ito ay kathang-isip lamang ngunit nag-iiwan ng aral sa mga mambabasa.
Kung ang tawag sa manunulat ng maikling kwento ay ‘Kwentista’, ang tawag naman sa manunulat ng pabula ay ‘Pabulista’.
Ang mga kwentong pabula ay karaniwang ginagamit bilang kwentong pambata kung saan ang mga tauhang hayop o bagay ay nagsasalita at binibigyang buhay na parang tao ng pabulista.
Mga Halimbawa ng Pabula
Narito ang ilang halimbawa ng mga kwentong pabula na may aral.
Comments
Post a Comment