Skip to main content

Ang Agila at ang Maya

Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito. “Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?” buong kayabangan ni Agila. Kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon. “Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?” Natuwa ang Agila, hindi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya. “Aba, nasa sa iyon ‘yan. Kung kailan mo gusto,” buong kayabangang sagot ni Agila. Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan. “Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit anong bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay...

Ang Magkapitbahay na Kambing at Kalabaw

Magkapitbahay ang kalabaw at ang kambing. Isang umaga ay nagpunta sa kapitbahay ang kambing.

“Ako ay nagugutom. Tayo na sa kabila ng ilog. Maraming bunga ng mais. Kumain ka ng kumain ng sariwang damo, kakain naman ako ng kakain ng mga murang mais,” ang sabi ng kambing sa kalabaw.
“Oo, tayo na,” ang sabi ng kalabaw.
“Pero hindi ako marunong lumangoy. Dalhin mo ako sa likod mo,” ang wika ng kambing.
Sumakay nga ang kambing sa kalabaw. Ito naman ay lumangoy sa ilog hanggang sa kabilang ibayo. Kumain sila ng kumain doon. Mabilis kumain ang kambing. Ang kalabaw naman ay hihinay-hinay kumain.
Madaling nabusog ang kambing. Ang kalabaw naman ay hindi pa nabubusog. Nainip na ang kambing. Kaya nagyaya nang umuwi.
“Kapitbahay, gusto ko nang umuwi. Busog na ako,” ang sabi ng kambing.
“Mabuti ka pa busog na,” ang sagot ng kalabaw. “Maghintay ka na muna.”
Nayamot na ang kambing. Inisip kung paano niya mapatitigil sa pagkain ang kalabaw. Mayroon siyang naisip. Naglulundag ang kambing. Gumawa ito ng malaking ingay.
Dahil sa ingay na iyon ay narinig sila ng mga tao. Nagdatingan ang mga tao. Nakita nilang kumakain ang kalabaw. Hinambalos nila nang hinambalos ang kalabaw.
“Ano, kapitbahay, gusto mo na bang umuwi?” Ang tanong ng kambing sa kalabaw.
“Oo, tayo na nga. Sige, lundag nasa likod ko,” ang sabi ng kalabaw. At lumakad nang papunta sa ilog.
Nang sila ay nasa gitna na ng ilog, huminto ang kalabaw. Tinanong niya kung bakit nag-ingay ang kambing.
“Ewan ko nga ba. Tuwing ako ay mabubusog, ay gawi ko na ang kumanta at magsayaw,” ang sagot ng kambing.
Lumakad na rin sa tubig ang kalabaw. Walang anu-ano ay narating nila ang malalim na bahagi ng ilog. Muling huminto ang kalabaw.
“O, bakit kahuminto? ang tanong ng kambing.
“Alam mo kapag ako ay nasa tubig, ay siyempre gusto kong gumulong-gulong sa tubig,” ang sabi ng kalabaw.
“Aba, huwag! Paano ako, mahuhulog ako sa tubig. Hindi naman ako marunong lumangoy,” ang sigaw ng kambing.
“E alam mo kapitbahay, naging bisyo ko na ang gumulong-gulong sa tubig,” at sinabayan nga ng gulong sa tubig.
Bumagsak sa tubig ang kawawang kambing. Hindi ito marunong lumangoy. Nalunod ang kambing.

Aral

·         Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sayo.

Comments

Popular posts from this blog

Ang Aso at Ang Pusa

  Isang araw, ang Aso ay nakahuli ng isang ibon. Samantalang pinagpapasasaan niya iyon, isang munting buto ang nahalang sa kanyang lalamunan. Hindi niya maalis ang bikig na napakasakit. Sa matinding paghihirap ay napahalinghing nang ubod-lakas. Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap ng makapag-aalis ng kanyang bikig. Parang nagmamakaawang ipinangangako niya sa kaninumang mahilingan ng tulong na ibibigay niya ang anumang mayroon siya sa makaaalis ng kaniyang bikig at tinik sa kanyang lalamunan. Tumihaya na ang Aso at ibinuka ang kaniyang bunganga. Ipinasok naman ng Pusa ang kaniyang ulo hanggang sa liig ng aso upang alisin ang bikig. Pagkabunot ng bikig, ang Pusa ay nagsalita. “Ibigay mo na ang aking gantimpala.” Umangil ang Aso. Inilabas niya ang matatalim na pangil. “Magpasalamat ka, at naipasok mo ang iyong ulo sa aking bunganga at nailabas mo pa rin nang hindi ka napahamak”, wika ng Aso na wari pang nanunumbat. GINTONG ARAL MULA SA PABULANG ITO: Nararapat lamang na tupar...

Ang Mag-anak na Langgam

Malapit-lapit na naman ang tag-ulan kung kaya’t ang isang mag-anak na langgam ay abalang-abala sa paghahakot ng pagkain para sa kanilang pinagtataguan. “Huwag kayong lilihis ng landas patungo sa ating lungga dahil sa may gawing kaliwa ay may munting kanal,” sabi ni Tatay Langgam. “Hindi po kami lalayo,” sabi ni Unang Munting Langgam. Abala sa paghahakot ng mga pagkain ang bawat isa kung kaya’t hindi nila napansing ang Bunsong Langgam ay unti-unting humiwalay sa pila. “Nakakapagod naman ang paghahakot ng pagkain. Mmatagal pa naman ang tag-ulan ay naghahanda na kami,” sabi sa sarili ng Bunsong Langgam. “Buti pa’y maghanap ako ng mas masarap na pagkain.” Walang anu-ano’y nakakita ng isang kendi na malapit na malapit sa kanal na ipinagbabawal na puntahan ng kanyang ama. “Siguro naman ay hindi ako mahuhulog sa kanal kung dahan-dahan kong kukunin ang kendi.” Sa kasabikan niyang makuha ang kendi ay hindi niya napansin ang munting sinulid na kinapatiran ng kanyang paa kaya nawalan siya ng pani...

Ang Pagong at ang Kalabaw

Isang araw ay nagkita ang kalabaw at ang pagong. Nais ng pagong na makipagkaibigan sa kalabaw. Tumawa lang nang malakas ang kalabaw at pakutyang sinabi na, “hindi ang isang tulad mo ang nais kong kaibigan. Ang gusto ko ay iyong kasinlaki at kasinlakas ko. Hindi tulad mong lampa na’t maliit ay sobra pa ang kupad kumilos.” Ang pagong ay napahiya sa tinuran ng palalong kalabaw. “Sobra kang mapang-api. Minamaliit mo ang aking kakayahan. Dapat mong malaman na ang maliit ay nakakapuwing.” Napika si kalabaw. Hinamon niya ng karera si pagong upang mapatunayan nito ang kanyang sinasabi. Tinanggap naman ni pagong ang hamon ni kalabaw. “Kapag ako ay tinalo mo sa labanang ito ay pagsisilbihan kita sa habang panahon.” “Matibay ka talaga, ha. Pwes, kailan mo gustong umpisahan ang karera?” Pakutyang sambit ng kalabaw. “Bukas ng umaga, sa lugar ding ito,” ang daling sagot ng pagong. Tuwang-tuwa si kalabaw dahil sigurado na niyang talo si pagong sa karera. Malaki siya at mabilis tumakbo. Subalit si pag...