Skip to main content

Ang Agila at ang Maya

Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito. “Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?” buong kayabangan ni Agila. Kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon. “Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?” Natuwa ang Agila, hindi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya. “Aba, nasa sa iyon ‘yan. Kung kailan mo gusto,” buong kayabangang sagot ni Agila. Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan. “Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit anong bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay...

Ang Alakdan At Ang Palaka

Isang araw, may isang alakdan na lumilibot sa bundok upang makahanap ng lilipatan. Nilakbay niya ang mga gubat, burol… Umakyat sa mga batuhan at halamanan hanggang sa umabot siya sa isang ilog. Malawak at mahaba ang ilog kaya huminto siya at nagplano. Walang paraan para siya ay makatawid kaya’t siya ay naglibot paakyat-pababa sa paligid ng ilog hanggang sa siya’y napaisip na bumalik na lamang. Mula sa isang tabi, may nakita siyang isang palaka na tumatawid sa ilog. Naisip niyang humingi ng tulong dito.

“Magandang Umaga Ginoong Palaka!” tawag ng alakdan. “Maaari mo ba kong isakay sa iyong likod para makatawid sa ilog?”

“Ayoko nga, paano ako makakasiguro na hindi mo ko papatayin?” tanong nang nangangambang palaka.

“Dahil,” sagot ng alakdan. “Kung patayin kita, mamamatay din ako dahil hindi ako marunong lumangoy!”

Mula doon ay napaisip ang palaka. May punto nga naman ang alakdan… Nguni’t para makasiguro ay tinanong niya ito ulit.

“Paano kung malapit na tayo sa baybayin? Maaari mo pa rin akong patayin tapos ay ikaw na lang ang uusad sa gilid ng ilog.”

“Totoo,” sumang-ayon ang alakdan, “Pero walang paraan para ako ay umabot sa kabilang dulo ng ilog.”

“O sige… paano kung aantayin mo lamang tayong makatuntong sa kabilang dulo bago mo ko patayin.” sabi ni palaka.

“Ahhh… dahil kapag nadala mo na ko sa kabilang dulo, magkakaroon ako ng utang na loob sa iyo kaya’t hindi ko magagawang patayin ka, diba?” sagot ng alakdan.

Sumang-ayon ang palaka na itawid ang alakdan kaya siya ay nagpunta sa kinaroroonan nito at isinakay siya. Matapos noon, ay tumawid na ang palaka sa ilog na kasama ang alakdan… Bagaman malakas ang daloy ng ilog, siniguro niya na di malulunod ang kanyang pasahero. Nguni’t sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay, naramdaman ng palaka na may tumusok sa kanyang likuran. Nang napasilip siya ay nakita niyang tinatanggal ng kanyang pasahero ang nakatusok na buntot na may lason sa kanyang likuran. Namanhid ang kanyang laman-loob hanggang sa kumalat ito sa kanyang buong katawan.

“Loko-loko!” sambi’t ng palaka, “Ngayon mamamatay tayong dalawa! Bakit mo ginawa yon?”

Nagkipit-balikat ang alakdan at sinabing, “Wala akong magawa, natural na sa akin ang ganoon.” At sabay silang nalunod sa malalim na ilog.

ARAL:

May mga taong mahirap baguhin ang kanilang pag-uugali. Kadalasan, nagkakamali tayong balewalain ang katotohanang ito. Minsan nakikipagkaibigan tayo sa mga taong hindi angkop na maging mabuting kaibigan o pumapasok tayo sa isang relasyon sa pag-aakalang mababago natin ang ugali ng kapareha. Bagama’t karamihan sa atin ay likas na mabuti, may mga taong likas na ang kasamaan kaya laging mag-ingat sa pakikipaghalubilo sa mga taong hindi lubos na kilala bago pa maging huli ang lahat.

Comments

Popular posts from this blog

Ang Aso at Ang Pusa

  Isang araw, ang Aso ay nakahuli ng isang ibon. Samantalang pinagpapasasaan niya iyon, isang munting buto ang nahalang sa kanyang lalamunan. Hindi niya maalis ang bikig na napakasakit. Sa matinding paghihirap ay napahalinghing nang ubod-lakas. Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap ng makapag-aalis ng kanyang bikig. Parang nagmamakaawang ipinangangako niya sa kaninumang mahilingan ng tulong na ibibigay niya ang anumang mayroon siya sa makaaalis ng kaniyang bikig at tinik sa kanyang lalamunan. Tumihaya na ang Aso at ibinuka ang kaniyang bunganga. Ipinasok naman ng Pusa ang kaniyang ulo hanggang sa liig ng aso upang alisin ang bikig. Pagkabunot ng bikig, ang Pusa ay nagsalita. “Ibigay mo na ang aking gantimpala.” Umangil ang Aso. Inilabas niya ang matatalim na pangil. “Magpasalamat ka, at naipasok mo ang iyong ulo sa aking bunganga at nailabas mo pa rin nang hindi ka napahamak”, wika ng Aso na wari pang nanunumbat. GINTONG ARAL MULA SA PABULANG ITO: Nararapat lamang na tupar...

Ang Mag-anak na Langgam

Malapit-lapit na naman ang tag-ulan kung kaya’t ang isang mag-anak na langgam ay abalang-abala sa paghahakot ng pagkain para sa kanilang pinagtataguan. “Huwag kayong lilihis ng landas patungo sa ating lungga dahil sa may gawing kaliwa ay may munting kanal,” sabi ni Tatay Langgam. “Hindi po kami lalayo,” sabi ni Unang Munting Langgam. Abala sa paghahakot ng mga pagkain ang bawat isa kung kaya’t hindi nila napansing ang Bunsong Langgam ay unti-unting humiwalay sa pila. “Nakakapagod naman ang paghahakot ng pagkain. Mmatagal pa naman ang tag-ulan ay naghahanda na kami,” sabi sa sarili ng Bunsong Langgam. “Buti pa’y maghanap ako ng mas masarap na pagkain.” Walang anu-ano’y nakakita ng isang kendi na malapit na malapit sa kanal na ipinagbabawal na puntahan ng kanyang ama. “Siguro naman ay hindi ako mahuhulog sa kanal kung dahan-dahan kong kukunin ang kendi.” Sa kasabikan niyang makuha ang kendi ay hindi niya napansin ang munting sinulid na kinapatiran ng kanyang paa kaya nawalan siya ng pani...

Ang Lobo at ang Kambing

Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niyang tumalon upang maka-ahong palabas ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan. Noo’y dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng lobo. “Marami bang tubig sa loob ng balon?” tanong nito sa lobo. “Oo, napakarami!” ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo. Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya’y niloko lamang ng lobo. “Ngayo’y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito,” ang sabi ng lobo. “Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito,” ang sabi ng kambing. “Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon.” “Papaano?” Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. “Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, saka kita hahatakin palabas,” pangako nito. “Sige,” ang sabi naman ng kambing. Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngun...